Looking back, hinding hindi ko maiisip na magiging ganito akong tao. Bwiset kasi si Alyssa, nag tweet siya na puro school related nalang ang twinitweet ko sa twitter sabay nag wallpost pa sya sakin sa FB na tungkol din don. Hindi naman sa dinamdam ko ang mga sinasabi nya pero bilang ako, malamang lamang, ioover analyze ko nnmn ang sarili ko.
Hmm. Para sakin I'm still the Edzen that you know and love, sadyang mas nag mature lang ako. Kumbaga, nag iba na ang pananaw ko sa mundo. Datirati nung highschool, natatandaan ko, never akong gumawa ng assignments, at kung gumawa man ako, kadalasan, nag hahabol na ako ng grade. But look at me now, gumagawa na talaga ako. Sa school nga lang. HAHA! Pano ba naman kasi, yung mga blockmates ko, laging may assignment. Medyo nakaka konsyus na wala. Tska the mere fact na assignments na nga lang ang pambawi sa mga mahihirap sa subjects sa college ay syempre gumawa kna! Hirap kaya ng Physics!
Pero hindi naman talaga ako ganon nag eeffort sa minor subjects. Kasi nga, gaya ng dati, hindi ako nag eeffort sa mga bagay na hindi naman makaka tulong sken. Pake ko ba sa Panitikan, pake ko ba sa physics, pake ko ba sa Psychology. HAHA! Napaka ignorante ko, xD Well, that's how I see it. Pero sa totoo lang, na eenjoy ko yang mga subjects na yan. Saya lang kasi ng mga prof ko xD Anyways. More of sa Major talaga nakatuon ang pansin ko. Hindi naman sa nag yayabang ako or whatever, pero mahirap talaga. Alam mo yun, hindi ka talaga papasa sa major subjects kapag hindi ka nag effort. PAPATAYIN KO MAG SABI NA MADALI LNG MAG ARCHI! Haha! Hndi lang kami puro drawing, gumagamit pa kami ng utak. Plus the fact na nag aaral parin kme ng mga ibang subjects unlike siguro ng fine arts na walang math xD
But in the end, never akong nag ka urge na mag reklamo sa ginagawa ko. Sa minor oo, puro reklamo ako dyan. Pero sa major, never. Oo napapagod ako. May mga times papasok ako sa school na walang tulog. Tapos pag uwi ko, makakakita ako ng mga status na hell week dw sila kasi andaming assignments at quizzes. Bitch please. Try nyo kayang mag midterms at finals na hindi pa nag aaral. Yung tipong nag sasagot kayo ng essay sa Filipino tapos nakatulog kyo! HAHA! Shet, i sound very cocky in this paragraph. But its the truth. Pero sa totoo lang, nawawala na tyo sa topic. Bottom line, mahal ko tong ginagawa ko kaya hindi ako nag rereklamo.
So ayon. Gusto ko lang talaga maging successful sa buhay. Gusto ko maging angat. I know, in the future, lalo na ngayong second sem na lima ang major namin, ay marami akong mamimiss na gala or meet ups. But that's part of growing up. Hindi ko naman snsbe na hindi na o never na akong gagala. What im trying to say is, mababawasan lang. Ang biggest fear ko kaya ay hindi makapunta sa mga debut kasi wala akong tulog o kaya nmn hindi ko pa tpos plate ko. Pero kung may ma-miss man ako dhil nga sa school work, I know kahit papano, hindi ganon kalaki ang nawala sakin. Im trying to build my future. Sorry naman kung full stir ahead ang peg ko. HAHAHA!
No comments:
Post a Comment