Hahahah! Naalala nyo ba nung bday ni Karol tpos gnwan ko dn ng sya blog entry? Ayon, ngyn nmn ako gnwan nya. Sadly wla syang blog kya minessage nya nlang sken sa fb. Weee. Wla lng, gsto ko lng i post. Pra ma-reminisce ko in the future =)))
First of all, gusto kitang batiin ng HAPPY HAPPY! YIPPEE YIPPEE! YEHEY YEHEY! IT’S YOUR BIRTHDAY! HOHOHOHOHOHOHO! HAPPY BIRTHDAY SA DAKILANG KA-DOODLES KO AT KARIBAL KO SA MUNDO NG KANTAHAN ESTE MAESTRO KO PALA PAG PINAGUSAPAN ANG KANTAHAN!XDDDD
HAPPY BIRTHDAY EDZEN JAN LEONARDO! Teka, Bakit nga ba kita ginawan ng mahabang message na ito?? Close ba tayo? HOHOHO! Joke lengg! Wala pa kasi akong blog kaya etong message na lng na to ang gift ko sayo. Nahiya naman ako sayo, nag-effort ka sa blog mo nung birthday ko kahit na alam kong kapalit un ng hindi mo paggawa ng reco letter para sa kin. Kaya eto susuklian ko ang kabutihang asal mo! Unfortunately, I don’t have my own blog. Kung kaya’t pa-message lamang tong ka-eklabuhan ko.XD
Saka kaya ko rin ito ginawa para pasayahin ang lalaking bestfriend ko! Echos! Hahahaha! Naaawa kasi ako sayo pilit kang naghahanap ng bestfriend. Kaya nagpiprisinta na ko ngaun sayo! bestfriend muna kita ngaung araw na to. :P yun ay kung mapapantayan ko si Migs? HIHIHI! Makakahanap ka rin ng bestfriend pare! Magkakaron ka din ng dhubz. Never give up! HAHAHA!
Para mas humaba pa ang message na to, idedescribe din kita gaya ng ginawa mo sa kin nung bday ko. PROMISE, MATUTUWA KA SA MGA DESCRIPTION KO! HOHOHOHO!
-MAGANDA ANG BOSES! EHEM! EHEM! EHEM!XDD maganda naman ang boses nya pag nagsasalita, wag lang po kakanta! HAHA! Jokes lng. TENOR yan eh. Saka dyan ako natuto ng proper skills na kailangan sa pagkanta. Master ko yan eh! HAHA! Pero mas matutuwa kayo kung sasayaw na lng sya! Promise! Binabalaan ko lng kayo. HAHAHAHA! Hanga ako sa vibrato skills nya!!
-WAG KA! PEP SQUAD YAN! :P tiniis nya lahat ng pananakit ng katawan. Pinagpatuloy nya ang pangarap nyang maging Pep Squader kahit na magkapasa pasa pa ang katawan nya. don’t worry kung pangarap mong maging singer. Pangarap ko namang maging dancer. At tanggap kong mas magaling ka sa kin sa sayawan! Taob ako sayo! Hmpf! HOHO! Cartwheel na lng oh! ;)
-KASANGGA NI MR. CAMERA! IN SHORT, CAMWHORE! HAHA! Di ko makakalimutan kung pano kami nagsalitan ng paghawak sa camera at cp nya nung fieldtrip sa Baguio. Parang lahat ng sulok ng botanical garden may picture kami. Hahahahaha!
-CHISMOSO! CHIKA EVER! HOHO! Gumaganti lng. :P sinabihan mo kasi akong chismosa nung bday ko. Excuse me, di ako chismosa usisera lang.XD haha! Nadadala lng ako sa kadaldalan mo. Kaya always ready akong makinig at dumaldal once na makipagchikahan ka na sa kin. HOHO! By the way, salamat sa pagtitiwala mo sa kin ng mga chika mo sa buhay mo. Thank you din sa pakikinig sa mga kaekekan ko sa buhay ko. Kahit na shineshare mo sa iba ung ibang secrets ko. HOHO!XD
-MAGALING MAGVOLLEYBALL! Okay sya na magaling magvolleyball! Wag mo lng itatapat sa kin! Baka di nya mapigilang mapaiyak pag nilampaso ko sya pag nag one on one kami sa volleyball! Ang kapal ng fes ko! HAHA! Joke lng lahat un. Utot lng ako nyan pag sports pinagusapan. Athletic yan eh. Woooooo! Palakpak ears nyan.XDD
-AUTHISTIC! AY SORRY! I MEAN…ARTISTIC PALA! HOHO! GALENG MAGDRAWING! Kaya naman architecture ang kukunin nyan. Pambihira! Mahusay magdrawing yan. Kaya naman hindi kataka-takang madaming nagpapagawa sa kanya ng projects sa arts. Yan ang business nya eh. Mas in demand ung business nya kaysa sa munchkins business ko. HAHA!
-MAGANDA MAGSULAT??? OSIGE NA NGA BIRTHDAY MO NAMAN, KAYA PANALO KA MUNA SA ULTIMATE DOODLES SHOWDOWN NATIN! ;D pero as a friend ayaw kitang lokohin. You have to accept the fact na mas pang architect ung handwriting ko kaysa sayo. Hahahaha! Biro lng my friend.XD pang architect din naman ang sulat mo. Don’t cha worry! HOHO! DOODLES MONSTER ka ata!XD
-PRANKANG NILALANG! Ayun, pag may gusto syang sabihin sasabihin nya. That’s good naman. Mas maganda ung expressive ka kaysa mag-backstub ng tao. Kaya saludo ako sayo dyan pare! =)
-MAGALING MAG-HANDLE NG SARILI NYA. CHING!XD I mean alam kung marunong magtimpi at magpasensya ang minsang mataray na si edzen. Pero pag nainis yan sayo! Hala ka! Pag nagliyab yan! Woah! Haha! Pero yun nga alam nya kung kelan dapat ilabas ung inis nya at kung kelan dapat kontrolin at itigil. Ngaun lng “NABUBURAOT ” sya sa status nya sa fb.. bukas maligaya na sya! HAHA!
-MASAYAHIN! FUN! FUN! FUN! Ayun, pag nakita mong nananahimik yan malamang masama pakiramdam o badtrip ang lolo nyo. Lagi naman kasing masaya yan eh lalo na pag nakakagala. Magugulantang ka pag first time mong marinig ang tawa nya. Naaalala ko pa ung kwento nya sa kin nun na nagulat daw ung relatives nya nung narinig ung tawa nya kasi kilala sya ng mga kamag-anak nila na tahimik. Oh my! Sya tahimik?????? Ohws? Di ngaaaa?! Akala lng nila un! Bwahahahaha!
-GALAERO! Edi ikaw na gala! Ako na ung taong naliligaw kahit sa rfc lng nagpunta.XD natatandaan ko pa nung nagkwentuhan kami sa classroom. Sabi nya one month syang hindi gagala para makapag-ipon sya ng pambili ng cp. Pero hind nya naman nagawa. Nangati na kc ung mga paang gumala. By the way, natutuwa talaga ako nung mga panahon na un. Dahil may karamay ako nun. Pareho kasing weakling ung mga cp namin. Well, nag-evolve na kami. Pareho ng touch sreen ang cp namin ngaun! HAHA!
-MALABO MATA PARANG AKO! Nashare nya na rin un sa blog nya. Bukod sa usapang tungkol sa weakling na cp. Super nakakarelate sya sa pinag-gagagawa ko sa eyeglasses ko. Ung tuwang tuwa kami nung first time magsalamin kasi nakikita naming ung mga dumi dumi sa wall ng malalayong building. Mga baliw eh! Ay! Sya lng pala baliw. HAHA!
-FRIENDLY! Dahil sa kadaldalan nya marami syang kaibigan. HAHA! Makikita mong mahal na mahal nya ang tropang OGC nya. Kung minsan nakikitawag yan ng dhubz at minsan plengs. Tapos minsan TL yan, minsan TNP daw sya. At kung ano ano pang mga tropa sa school.
-MODEL NG HBW PARANG AKO ULIT!XD nakakatuwa ung pang-aarbor nya sa kin ng ballpen. Kapag may nahiram syang HBW sa kin na maganda ang sulat gusto nyang arborin! SUS! Meron pa plang nagkakainteres sa HBW! Kala ko ako na lng tumatangkilik nun eh. HOHOHO! Basta para sa min the best ang HBW. Mahal ng G-TECH eh!XD wala naman yun sa pen nasa pagsusulat un. Naks!
Ayun, marami pa ata akong description para sayo pero ititigil ko na kasi baka lumaki na ung ulo mo. Talented ka pala kaibigan! Ngaun ko lng na-realize. Hahahaha. Joke lamang.XD pahabol! Mahusay ka rin pa lng emcee. HOHO! Ayun, sana natuwa ka sa mga pinagsasasabi ko kahit na may halong pang-aasar ung iba. Salamat sa lahat lahat. Mamimiss kita friend! Salamat sa pakikipag-chat sa kin sa fb sa tuwing wala akong madaldal. Sa pakikipag-showdown sa kin sa pagdudoodles pag walang magawa sa classroom(di ko makakalimutan ung fave word mong “ayoko” at ung fave word kong “sige”). Sa pang-uusisa mo sa kin pag nananahimik ako. Di ko makakalimutan ang kaibigan kong dumalaw sa kin nung may bulutong ako kahit na tinatawag mo kong leper! Azar! Ikaw rin ung kaibigan kong mahilig sa peanut butter! Mamimiss ko ung pagkanta natin sa harap ng bintana habang napapapikit na ko dahil sa lakas ng hangin at habang nagpapatuyo ka ng kili kili mo sa malakas na hangin na un. HOHOHOHOHOHO! Favorite song ang Kung ako na lng sana kaso sosyal ka na diba at di ka na nag-oopm kaya papalitan na natin ung soundtrack natin. Mamimiss ko si edzen na nanghihingi lagi ng libreng Munchkins.
Sana maging schoolmates tayo. Pagpray mo na sana makapasa ako. Para dun natin ipagpapatuloy ung concert natin sa bintana. Hindi ko akalaing magiging close tayo. Nagsimula lng ung friendship natin sa paglalaitan natin ng mga sulat natin. HOHO! Ayun, masyadong marami na kong nasabi. HAPPY BIRTHDAY ULIT! Malamang hindi mo agad to mababasa kasi baka na-shock ka sa sobrang haba at tamarin ka dahil baka busy ka sa iyong kaarawan. Baka kakain ka muna ng handa mo. Basta sana na-feel mo ung message ko pag tapos mong basahin. HAHA! Osige tatapusin ko na to ah. Alagaan mo ung pillow mong c mr.butter ba un? Tama ba? HAPPY BIRTHDAY EDZEN! YAYKS GURANG NA! HOHO! VIDEOKE TAYO PAG NAGKITA TYO! WISH YOU ALL THE BEST! INGAT KA PALAGI! =D
No comments:
Post a Comment