Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-samang labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't-isa
Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala
At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan
---
Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
---
Kung sa pag-ibig may pinagawayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y magkatambakan
ang mga utang 'dio na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
---
Mga ilang lyrics na kakantahin nmin pra sa feast day. Nakaka asar nga eh. July plang prang mag kaka hiwalay na kme. Ayoko tlaga ng mga gnong knta.
No comments:
Post a Comment